28 Setyembre 1883 nag-enroll siya sa Universidad Central de Madrid sa Medisina.
2 Enero 1884 si Rizal ay nagmungkahi sa mga miyembro ng Circulo na nagtipun-tipon sa bahay ng mga Pateros, ang paglathala ng aklat ng asosasyon. Ang ideyang ito ay naging simula ng unang nobelang Noli Me Tangere.
Licensyado sa Medisina
21 Hunyo 1884 natapos niya ang kursong Licentiate in Medicine na may gradong aprobado mula sa Central Universidad de Madrid.
25 Hunyo 1884 nanalo si Rizal ng unang gantimpala sa patimpalak sa Griyego, pagkatapos nito ay nagbigay siya ng talumpati bilang paggalang sa dalawang pintor na Pilipino, sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo.
Hulyo 1884 ipinaliwanag ni Rizal ang terminong Filibusterismo sa pahayagang Madrid na El Progreso upang makuha ang atensyon ng mga Espanyol na mga awtoridad. Humiling siya ng kalayaan ng pamamahayag at karapatan ng representasyon sa Cortes ng Espanya.
20 Nobyembre 1884 nasaksihan ni Rizal ang magulong eksena sa Central Universidad de Madrid kung saan nagdaos ng welga ang mga estudyante at guro laban sa ekskomunikasyon.