18 Hunyo 1883 kasama sina Felipe Zamora at Cunanan, binisita niya ang Leannec Hospital upang obserbahan kung paano ginagamot ni Dr. Nicaise ang kanyang mga pasyente. Nabigla siya nang makita ang mga makabagong pasilidad sa akomodasyon sa nasabing ospital.
19 Hunyo 1883 bumalik siya kay Dr. Nicaise na nagpakita ng teknik ng operasyon. Pagkatapos, pumunta siya sa Dupytren Museum.
20 Hunyo 1883 bumisita si Rizal sa Lariboisiere Hospital. Dito niya pinagmamasdan ang pagsusuri ng iba't ibang sakit ng mga kababaihan.