Sa bawat bahagi ng kanyang paglalakbay, saksi ako sa paglago ng kanyang kaalaman at determinasyon. Ang mga karanasang ito ay hindi lamang nagpayaman sa kanyang isipan kundi nagpatibay din ng kanyang damdamin para sa kalayaan ng Pilipinas. Kasama si Rizal, natutunan ko na ang paglalakbay ay hindi lamang pisikal na paggalaw mula sa isang lugar patungo sa iba, kundi isang paglalakbay ng puso at isipan na nagdadala ng mas malalim na pang-unawa at inspirasyon.
Queenzie Louise ConcepcionBS Architecture 3-A